-
Kapanganakan
Ipinanganak si Rizal sa Calamba, Laguna sa pagitan ng alas-onse at alas-dose ng hatinggabi, araw ng Miyerkules. Halos ikamatay ito ng kanyang ina dahil bagaman maliit, napakalaki naman ng kanyang ulo. -
Period: to
Kabanata 1
Kapanganakan - Unang mga Taon -
Binyag
Tatlong araw matapos maipanganak, bininyagan si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda sa simbahan ng Calamba ni Padre Rufino Collantes. Si Padre Pedro Casañas ang kanyang ninong. -
Unang guro
Si Donya Teodora Alonzo, o mas kilala sa tawag na Donya Lolay, ang unang guro ni Pepe. Sa tulong niya, marunong nang bumasa at sumulat si Pepe sa edad na tatlo. -
Kamatayan ni Concha
Siya'y apat na taon nang mamatay ang kapatid na si Conception. Ito ang unang beses na tumangis si Pepe dala nang labis na pagmamahal at pagkalungkot. -
Paghiwalay sa pamilya
Marka ng unang taon ng paghiwalay ni Pepe mula sa kanyang pamilya. -
Sa puder ni Tiya
- Habang nasa Biñan, sa bahay ni Tomasa Alejandro Mercado, kanyang tiya sa ama, nanirahan si Rizal kasama ang mga pinsang si Margarita at Gabriel, at mga pamangking sina Arcadia, Florentina, at Leandro.
- Hindi niya gusto ang ulam dito. Madalas ay kanin at maliliit na tuyong isda lang ang hain sa hapag.
- Isang beses ay kamuntikan pa siyang malunod at tangayin ng ilog nang itulak siya ni Leandro habang sila'y naliligo.
-
Pag-aaral sa Biñan
- Pinadala sa Biñan si Pepe nang siya'y siyam na taong gulang upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiniano Aquino Cruz.
- Madalas siyang masangkot sa mga away at minsan nang nakabuno ang anak ng kanyang guro, si Pedro, na ilang taong mas matanda at higit na malaki sa kanya.
- Bagaman matalino at bibo sa klase, bibihira ang araw na hindi tumanggap ng nasa lima o anim na palo sa kamay si Pepe.
- Tampulan siya ng tukso at tinatawag sa kung ano-anong pangalan, isa ang Calambeño.
-
Period: to
Kabanata 2
Ang buhay nang malayo sa magulang at mga paghihirap -
Paglisan sa Biñan
Umalis si Pepe sa Biñan sa ganap na ala-una ng hapon, Sabado pabalik ng bayan ng Calamba lulan ng bapor. Kasama niya sa biyahe ang kaibigan ng ama na si Arturo Camps, isang Pranses.- sa kanyang liham kay Blumentritt, isinulat sa Geneva, Hunyo 10, 1887, sinabi ni Rizal na nanatili siya sa Biñan sa loob ng isa at kalahating taon. [The Rizal-Blumentritt Correspondence, Part 1, p. 100. Sinimulan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Hunyo 1870 at bumalik sa Calamba noong Disyembre 1871.]
-
Pagkakakulong kay Donya Lolay
Pinaratangan si Donya Lolay na kasabwat diumano sa tangkang paglalason sa asawa ni Jose Alberto, tiyuhin ni Rizal. Kinulong ang donya ng noo'y alkaldeng si Antonio Vivencio del Rosario at pinilit na umamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa. -
Period: to
Kabanata 3
Enero 1871 - Hunyo 1872 -
Period: to
Kabanata 4
1872 - 1875 -
Pagpasok sa Ateneo
- Labing-isang taong gulang si Rizal nang maipakilala kay Rev. Father Minister Magin Ferrando ng Ateneo Municipal. Tinulungan siya ni Manuel Jerez, pamangkin ni Padre Burgos, upang makapasok sa paaralan.
- Nanunuluyan siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa Cruz, Maynila.
- Ang kanyang naging unang propesor ay si Padre Jose Bech S.J.
- Sa panahon ng pamamahinga sa tanghali, nagpapaturo siya ng aralin sa wikang Espanyol sa Colegio de Santa Isabel.
-
Unang pagsusulit
Kasama si Paciano, kumuha ng kanyang unang pagsusulit si Rizal sa Colegio de San Juan de Letran. Naipasa niya ang pagsusulit sa doktrinang Kristiyano, aritmetika, at pagbasa. -
Unang bakasyon sa Calamba
- Dahil sa pagkakakulong ng ina, hindi naging masaya ang unang bakasyon ni Pepe sa Calamba.
- Sinamahan niya ang kapatid na si Neneng sa isang pista sa Tanauan.
- Lihim niyang binibisita ang ina sa bilangguan at kinukwentuhan tungkol sa kanyang pag-aaral sa Ateneo.
-
Unang taon sa Ateneo
Sa unang kwarter ng akademikong taon, nakakuha si Rizal ng unang gantimpala at pinakamataas na marka. Ngunit dala ng pagkasuklam sa masasamang puna ng kanyang propesor, nawalan siya ng ganang mag-aral nang mabuti. Kaya naman sa pagtatapos ng taon, accessit lamang ang nakuha niya sa lahat ng asignatura (may pinakamataas na marka ngunit walang anomang gantimpala.) -
Paglaya ni Donya Lolay
Napatunayang walang sala si Donya Lolay sa korte ng Royal Audencia sa tulong ng mga tanyag na abogado mula Maynila na sina Fransisco de Marcaida at Manuel Marzan at tuluyang nakalaya dalawa at kalahating taon matapos makulong -
Unang litrato
Unang litrato ni Pepe na kinunan noong siya ay labintatlong-taong gulang. -
Ikalawang taon sa Ateneo
- Bumalik si Jose sa Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang ikalawang taon sa Ateneo.
- Lumipat siya loob ng Intramuros sa isang bahay paupahan sa kalye Magallanes, numero 2. Kasama niyang naninirahan dito ang may-aring si Donya Pepay, isang biyuda, at mga anak nito.
- Nagkita silang muli ng mga dati niyang kamag-aral sa Biñan.
- Sa pagtatapos ng taon, nakasungkit siya ng isang medalya at umuwi sa Calamba.
-
Period: to
Kabanata 5
Dalawang taon sa kolehiyo -
Pagtungtong sa kolehiyo
Pumasok sa kolehiyo si Rizal sa edad na labintatlo -labing-apat. May kaliitan pa rin siya nito kaya naman madalas pa rin siyang matukso ngunit imbes na magalit, nginingitian niya na lamang at nagpapasalamat pa sa mga nanunukso. Dahil dito, umani siya ng respeto mula sa mga ito at hindi na tinukso pang muli. -
Huling taon sa Ateneo
Nakilala niya si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang paborito niyang propesor na humikayat sa kanyang mag-aral ang mabuti. Sa tulong nito, nag-aral siya ng matematika, retorika, at griyego ng may ilang kalamangan. Ito rin ang nag-udyok sa kanya upang sumulat ng mga tula. Limang medalya ang nasungkit niya nang taong ito. -
Pagpasok sa UST
Sa edad na labing-anim, pumasok si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas at kumuha ng kursong metapisika. -
Unang pag-ibig
Nakilala ni Rizal si Segunda Katigbak, ang kanyang unang pag-ibig, sa Trozo, Maynila kung saan nakatira ang kanyang lola. Kapatid ito ng kanyang kaklase at kaibigang si Marcelo Katigbak. Kasama nitong nag-aaral ang kapatid na si Olympia sa kolehiyo ng La Concordia. -
Period: to
Kabanata 6
Mula Abril 1877 hanggang Disyembre 1877 -
Pagtatapos sa Ateneo
Tumanggap ng katibayang Bachiller en Artes at notang Sobrasaliente (pinakamataas na marka) sa lahat ng asignatura. -
Pagsusulit sa Metapisika
Kumuha ng pagsusulit sa metapisika si Rizal at nakakuha ng mataas na marka. Ganoon din sa pagsusulit sa typograpiya kung saan umani pa siya ng dalawang medalya maging sa agrikultura. -
Period: to
Kabanata 7
Mula Enero 1878 hanggang Disyembre 1878 -
Pagbalik sa Maynila
Ginugol ni Jose ang maikling bakasyon sa bahay sa Calamba. Walang gaanong nangyari noong panahong iyon kaya't pagsapit ng Enero, agad din siyang bumalik pa-Maynila -
Kabanata 8: Unang alaala
- Kinuwento ni Donya Lolay ang pabula ng gamu-gamo at lampara sa batang Rizal isang gabi habang tinuturuan niya itong basahin ang aklat na El Amigo de los Niños.
- Hindi na natiis ng donya ang mahinang pagbasa ni Pepe at kawalan nito ng pokus kaya naman imbes na ipagpatuloy ang pagtuturo, kinwentuhan niya na lamang ito.
- Labis na tumatak ang istoryang ito kay Rizal dahil naniniwala siyang ang liwanag ang pinakamagandang bagay na nalikha sa mundo at nararapat na pag-alayan ng buhay ng tao.